Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ‘good news’ ang naturang balita na nagpapatunay na epektibo ang tinatahak na direksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng administrasyon.
Paliwanag nito, ang tinatamasang economic growth ay dulot ng pagiging ‘stable’ ng bansa sa kasalukuyan na dahilan upang lumakas ang tiwala ng mga investor sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ang 6.9 percent na growth rate ng gross domestic product sa third quarter ay mas mataas sa 6.7 percent na natamasa nito noong second quarter.
Dahil dito, pumapangalawa ang Pilipinas ngayon bilang fastest-growing economy sa Asya, kung saan nauuna ang ekonomiya ng Vietnam.