Ito ang ibinunyag ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez matapos ang paghulagpos ng isang bagon ng MRT sa mismong tren na bumibyahe kahapon sa pagitan ng Ayala at Buendia station.
Ayon kay Chavez, noon pa mang unang bahagi ng taong 2017, ikinukonsidera na ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ipatigil ang MRT dahil sa dami ng aberyang nangyayari-araw araw.
Hanggang ngayon aniya, bahagi pa rin ng mga diskusyon ang opsyon na ipahinto muna ang operasyon ng MRT.
Gayunman, iniisip aniya ng Kalihim ang kapakanan ng nasa kalahating milyong mananakay ng MRT na maaapektuhan kung sakaling i-shutdown muna ang operasyon nito.
Sa ngayon aniya, mananatiling tuluy-tuloy ang operasyon ng MRT hanggang nakatitiyak pa ang Kagawaran na ligtas pa itong sakyan ng mga pasahero.
Kahapon, inirekomenda ni Senador Grace Poe ang opsyon na magsagawa muna ng shutdown sa MRT dahil sa mga problemang araw-araw na nararanasan ng mga pasahero.