P5M ayuda sa Marawi, ipinaabot ng lokal na pamahalaan ng Taguig

Kuha ni Erwin Aguilon

Ipinaabot ng lokal na pamahalaan ng Taguig City ang limang milyong pisong ayuda para sa Marawi City.

Una nang nagbigay ng 1.5 million pesos worth of goods ang Taguig City sa kasagsagan ng giyera sa Marawi City.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, ang limang milyong pisong ayuda ay ilalaan para sa early child care and development at skills training.

Gayunman, hindi pa matukoy kung anong partikular na skills training ang kanilang isasagawa para sa mga residente ng Marawi City.

Ani Cayetano, kinakailangan pa nilang tukuyin kung ano ang kanilang pangunahing pangangailangan nang naayon sa kanilang kultura.

Samantala, nangako rin ang Taguig City na maging sister city ng Marawi City, gaya ng Davao City.

 

Read more...