Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, legally binding lang kasi ang ruling sa pagitan ng Pilipinas at China at hindi sa ibang bansa na claimant sa South China Sea.
Batay sa UN rbitral ruling mayroong exclusive sovereign rights ang Pilipinas at hindi nito kinikilala ang “nine-dash line” cliams ng China sa ilang pinagtatalunang isla sa South China Sea.
Binigyan diin ni Roque na dapat ay legally binding ang bubuoing Code of Conduct dahil kung hindi ay mababalewala lamang ito.
Sa katatapos na ASEAN Summit napagkasuduan ng mga ASEAN members at China na bumuo ng Code of Conduct na inaasahang magiging tulay para mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.
Excerpt: