Ayon sa MRT Authority, mula sa alas singko ay magiging alas singko y medya na ang opening time ng unang biyahe ng tren habang mula naman sa alas onse na closing time ay magbibiyahe naman ang huling commercial train ng alas diyes y medya ng gabi.
Paliwanag ni MRT Operations Director Michael Capati, ito ay para magkaroon ang ahensiya ng dagdag na isang oras para masuri ang mga bagon bago tumakbo ang mga ito.
Maliban dito ay magtatalaga din aniya ng train marshalls para paigtingin ang seguridad at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Nanindigan naman ang ahensiya na ligtas pa ring sumakay ang publiko sa mga tren sa kabila ng mga aberya.