Patunay na tama ang diskarte ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra sa iligal na droga ang $2 Million na ayuda ni U.S President Donald Trump.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung nauwi na sa extra judicial killings ang anti-illegal drug campaign ng gobyerno hindi na sana ito binuhusan ng pondo ng U.S president.
Kasabay nito, nanghihinayang si Roque na ginawa ang pag-aanunsyo ni Trump noong siya’y nasal abas na ng bansa at hindi sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte noong dumadalo siya sa nagdaang sa ASEAN Summit.
Tiyak aniyang higit na natuwa ang pangulo kung personal itong sinabi sa kanya ni Trump.
Maliban sa nasabing tulong ay nagbigay rin ang U.S ng pandagdag sa pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
MOST READ
LATEST STORIES