Pagpapa-cute ni Trudeau binuweltahan ni Villar

Inquirer photo

Hindi na umano dapat na dinaan sa gimik ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang usapin ng tone-toneladang basura na itinapon ng bansang Canada dito sa bansa.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, mas maganda sana kung ibinalik na lamang ito sa Canada dahil kayang kaya naman ng Canada na isang mayamang bansa.

Paliwanag ni Villar, kahit na pribadong kumpanya sa Canada ang sangkot sa shipment ng basura ay kayang- kaya umano itong gawin ni Trudeau kung gugustuhin nito.

Dagdag pa ng senadora, hindi na dapat idinaan sa pagpapacute ni Trudeau ang usapin lalo at itinuturing umano ng Canadian prime minister na maliit na bagay ang usapin ng tone-toneladang basura galing Canada.

Sa kanyang presccon sa ASEAN Summit sinabi ni Trudeau na may ilang legal na isyu ang kanilang inaayos kaugnay sa nasabing problema.

Read more...