Suspek sa pagpatay sa isang magkasintahan sa Bataan nahuli na

Naaresto na ng mga tauhan ng Bataan Provincial Police Office ang suspek sa pagpatay sa isang magkasintahan sa Balanga City noong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Bataan Governor Albert Garcia na nasa custody na ng PNP ang suspek na si Reynaldo Lisay Jr., isang mangingisda at residente sa nasabing lungsod.

Si Lisay ay positibong kinilala ng dalawa ring biktima na umano’y ginahasa niya sa Westland Park kung saan huling nakitang buhay ang magkasintahang sina James Carl De Guzman 22-anyos at ang 19-year-old na si Glory Mary Carbonell.

Batay sa ginawang otopsiya sa mga biktima, si Carbonell ay sinasabing ginahasa muna bago pinalo ng matigas na bagay sa kanyang ulo samantalang isang palo rin sa ulo ang ikinamatay si De Guzman.

Ang mga bangkay ng magkasintahan ay nakitang palutang-lutang sa dagat malapit sa boundary ng mga bayan ng Orion at Pilar.

Nauna dito ay naglabas ng pahayag ang tanggapan ni Gov. Garcia kung saan kanyang sinabi na magbibigay sila ng P1 Million reward sa sinumang makakapagturo sa suspek sa nasabing krimen.

Read more...