WATCH: Mga lumikas sa giyera sa Marawi humihingi ng saklolo sa gobyerno

Radyo Inquirer FIle Photo | Erwin Aguilon

Nanawagan sa pamahalaan ang mga bakwit sa Balo-i, Lanao del Norte na bigyan sila ng kapital para makapaghanap buhay.

Ayon kay Abubakr Andi, ito ay upang hindi sila umasa ng habambuhay sa gobyerno.

Hindi aniya sapat ang ibinibigay ng gobyerno dahil para lamang ito sa kanilang pagkain.

Sinabi ni Andi na kung bibigyan sila ng kapital ay madali silang makakabangon.

Kung hindi pa naman aniya sila mabigyan ng kapital para makapag-negosyo apela nito sa pamahalaan na mabigyan sila ng maayos na trabaho.

Narito ang ulat ni Erwin Aguilon:

Read more...