WATCH: 30 case ng beer, nahulog sa trailer truck; mga bubog kumalat sa Elliptical Road sa QC

Kuha ni Justinne Punsalang

Mistulang nagkalat na mga brilyante ang mga bubog ng basag na basyo ng bote sa limang lanes ng Elliptical Road sa Quezon City matapos mahulog mula sa 22-wheeler trailer truck ang tatlumpung cases ng bote ng beer.

Ayon sa driver ng truck na si Noe Comia, bago mag 1:00 ng madaling araw nang lumiko siya sa Elliptical Road mula sa Commonwealth Avenue.

At dahil umano sa hindi pantay na kalsada ay tumagilid nang bahagya ang kanyang truck, dahilan para mahulog ang tatlumpung cases ng bote ng beer.

Ngunit ayon sa mga otoridad, imposibleng mabagal lamang ang takbo ni Comia dahil anila, kung mabagal ang kanyang takbo ay hindi mawawalan ng balanse ang truck.

Narito ang ulat nI Justinne Punsalang:

 

 

 

 

 

 

Read more...