Japan, nagbigay ng 5 patrol planes sa Pilipinas

 

File photo

Bilang suporta sa pagbabantay ng bansa sa mga teritoryo nito ay nagbigay ang Japan ng limang surveillance and patrol planes sa Philippine Navy.

Ayon sa Department of National Defense, ito ang naging ‘highlight’ ng naging bilateral meeting sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at Japan noong Lunes.

Ang TC-90s Beechraft surveillance and patrol planes ay nauna na ngang inupahan sa ilalim ng administrasyong Aquino sa murang halaga upang magpatrolya sa South China Sea.

Gayunpaman, ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, ay kinansela na lamang ng Japan ang naging lease agreement at napagpasyahan na lamang na idonate ang mga ito sa bansa.

Naideliver na ang dalawang TC-90s plane noong Marso habang ang tatlo naman ay nakatakdang dumating sa unang quarter ng 2018.

Pinangunahan ni Defense Undersecretary Raymund Elefante at ng kanyang Japanese counterpart ang paglagda sa mga dokumento upang pormal nang mailipat sa pangangalaga ng Pilipinas ang limang surveillance aircrafts.

Ayon sa kagawaran, inaasahang lubhang makakatulong ang nasabing aircrafts sa pagmomonitor at pagsasagawa ng search and rescue operations ng Pilipinas sa teritoyo nito.

Read more...