Ang mga ito ay kabilang sa 51 na contraceptives na sakop ng naturang TRO, na naialis na matapos ang reevaluation ng Food and Drugs Administration (FDA) na nagpatunay na walang taglay na abortifacients ang mga ito.
Inialis sa family planning program ng DOH noong 2015 ang mga implants na Implanon at Implanon NXT dahil sa petisyon ng Alliance for Family Foundation Philippines Inc. (ALFI) na nauwi sa TRO.
Ayon kay Commission on Population (PopCom) executive director Juan Antonio Perez III, karamihan sa 200,000 na implants ay mag-eexpire na sa September 2018.
Dahil dito, nahaharap ngayon ang mga maglalagay ng implants sa problema dahil kailangan nilang ma-inject ang implants sa hindi bababa sa 1,000 kababaihan araw-araw para magamit ang mga ito bago mag-expire.
Masasayang lang kasi ang libu-libong implants kung hindi naman magagamit bago ang nakatakdang expiration date.
Oras na ma-inject ang implants sa isang babae, dalawang taon nitong mapipigilan ang pagbubuntis.
Ayon naman kay Perez, kapag nailabas na ng FDA ang mga certificates ng product registration ng 51 contraceptives na nasakop ng TRO ay mabibili na ulit ito sa merkado.