Dahil dito, sinabi ni Senate President Koko Pimentel na magsasagawa sila ng sesyon mamaya at bukas para matapos na ang mga interpellations para sa panukalang P3.7 trilyong national budget.
Ayon kay Pimentel, dapat matapos na hanggang bukas ang mga debate, para sa susunod na linggo ay maari na itong maaprubahan.
Pagkatapos naman ng debate para sa national budget, isusunod nila agad ang deliberasyon sa Tax Reform for Acceleration Inclusion (TRAIN).
Gayunman, ilang senador tulad nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Sen. Sonny Angara ang naniniwalang hindi aabot bago matapos ang taon ang pag-pasa sa TRAIN, kundi baka umabot pa ng Enero ng susunod na taon.