Sa inisyal na datos mula sa gobyerno ng Chile, mayroong dalawang nasawi at 10 ang nasugatan dahil sa malakas na lindol.
Naitala ang pagyanig sa 228 kilometers ng north of Santiago, na mayroong 6.6 million na populasyon.
Naramdaman ang pagyanig hanggang sa Buenos Aires, Argentina na 1,400 kilometers ang layo mula sa epicenter ng lindol.
Ayon sa Hawaii-based Pacific Tsunami Warning Center, posibleng magkaroon ng “hazardous” tsunami waves sa coastal areas ng Chile na maaring umabot sa three meters ang taas.
Sa coastal city ng Chile na Coquimbo, nakapagtala na ng 4.5 meters na taas ng alon.
Maari ding umabot ang tsunami waves sa French Polynesia, habang mas mababang alon ang maaring tumama sa Alaska, Japan at New Zealand.