Anim na militanteng kabilang sa mga naghagis ng pintura sa US Embassy logo, kinasuhan ng MPD

US Emabssy Rally
Kuha ni Ruel Perez

Tinuluyan ng Manila Police District (MPD) ang anim na raliyistang naaresto kahapon matapos magsagawa ng lightning rally sa harapan ng US Embassy sa Roxas Boulevard sa Maynila kahapon.

Sinampahan ng mga kasong malicious mischief, damage to property at illegal assembly sina Teddy James Angeles, Gerardo Gaddi, Orion Yoshida, Aries Gupit, Gem Aramil at Karl Paul Araneta na pawang miyembro ng League of Filipino Students (LFS) at Anakbayan.

Kabilang ang anim sa mga raliyista na lumusob kahapon ng umaga sa harapan ng US Embassy at nagtapon pa ng mga plastic na may lamang pintura sa seal at logo ng embahada ng Amerika.
Maliban sa dinungisang logo at seal ng US Embassy, nawasak din ang windshield ng MPD mobile patrol.

Isinabay ang kilos protesta sa paggunita ng pagkakabasura ng Philippine Senate sa US Military Bases Agreement noong 1991 at ang pakondena sa mga umano’y panibagong isinusulong na kasunduan pumapabor lamang sa mga amerikano tulad ng EDCA at VFA.

Read more...