Magbibigay ang China ng P1.5 Billion na pondo bilang pang-ayuda sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Sa joint press statement ngayong hapon, sinabi ni Chinese Prime Minister Li Keqiang na ilalaan ang naturang pondo para sa imprastraktura sa Marawi City matapos masira ang lungsod dahil sa giyera laban sa teroristang Maute group.
Ayon kay Li, nakahandang magbigay ng anumang ayuda ang China sa Pilipinas.
Sinabi rin ng Chinese official na ang pagtulong sa Pilipinas ay para na ring pagtulong sa sarili.
Bago ang joint statement, nagkaroon muna ng expanded bilateral meeting sina Pangulong Rodrigo Duterte at Li.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na nangako rin ang China na magbibigay ng scholarship sa mga batang naapektuhan ng giyera sa Marawi City.
Samantala, dalawang drug abuse treatment rehabilitation centers ang itatayo ng China bilang tulong nito sa war on drugs ng Duterte administration.
Itatayo ang dalawang drug rehab center sa Saranggani at isa rin sa Agusan del Sur.