Sy at Zobel pasok sa Forbes’ 50 richest clans in Asia

Pasok sa talaan ng Forbes’ 50 richest clans in Asia ang pamilya ng dalawang pinaka-mayamang Pinoy.

Kabilang dito ang pamilya ni Henry Sy na pang-siyam sa listahan sa kabuuang assets na umaabot sa #20.1 Billion.

Sila ang nasa likod ng SM Group of Companies na kinabibilangan ng mga negosyong nasa realty, retail, banking at energy.

Nasa listahan rin ng Forbes na kabilang sa mga pinaka-mayamang pamilya sa Asya ang mga Zobel na nasa likod ng Ayala Coporation.

Mayroon silang combined assets na $6.1 Billion para sa 43rd spot.

Para mapabilang sa Forbes richest families list, ang isang pamilya ay kailangang may minimum net worth na $5 Billion.

Dito sa Asya ay naungusan ng Ambani family mula sa India ang Lee clan ng Samsung Group of Companies.

Ang Ambani clan mula sa India ay may netwoth na umaabot sa $44.8 Billion at sila ang pinaka-mayamang pamilya sa Asya.

Narito ang top 10 sa listahan ng mga mayayamang pamilya sa Asya ayon sa Forbes.

Read more...