2 ang sugatan sa banggaan ng dalawang ASEAN service vehicles

Inquirer Photo

Sugatan ang dalawang katao matapos magbanggaan ang dalawang sasakyan na kapwa designated para sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Naganap ang aksidente sa Jalandoni Street kanto ng Sotto Street sa Pasay City.

Ilang metro lamang ang layo ng pinangyarihan ng aksidente sa Philippine International Convention Center (PICC) na main venue ng summit.

Nilapatan naman ng lunas ang dalawang nasugatan na kapwa driver ng sangkot na sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...