Pepe Smith, isinugod sa ospital matapos ma-stroke

Iinquirer POP

Isinugod sa Metro Antipolo Hospital ang Pinoy rock legend na si Joey Smith o mas kilala bilang Pepe Smith matapos makaranas ng stroke kagabi.

Nabatid na inireklamo ni Smith ang kakaibang galaw ng kanyang dila.

Pasado alas tres ng madaling araw ay inilipat si Smith sa Acute Stroke Unit ng ospital.

Ayon sa isang staff ng ospital, bagaman stable ang vital signs ni Smith, kailangan pa rin masuri siya ng neurologist at iba ang doktor para malaman kung ano talaga ang kanyang kundisyon.

Ito na aniya ang ikatlong beses na nakaranas ng stroke ang Rock n Roll King simula pa noong 2016.

Sa ngayon ay patuloy na inoobserbahan ang kundisyon ng rockstar.

Ilan sa mga sumikat na awitin ni Smith ay ang “Ang Himig Natin,” “Balong Malalim,” at “Beep Beep”.

 

 

 

 

 

Read more...