WATCH: Mga Quran na nawasak ng giyera isinalba sa Grand Mosque sa Marawi

Kuha ni Erwin Aguilon

Pinilit isalba ng ilang mga alkalde sa Lanao del Sur ang mga mahahalagang bagay na kanilang nakita sa loob ng Grand Mosque na matatagpuan sa main battle area ng Marawi City.

Kabilang dito ng ilang mga Quran na nasira din dahil sa limang buwang digmaan.

Sinabi ni Marawi City Mayor Majul Gandamra, mas importante para sa kanilang mga Muslim ang Quran kaysa sa ano mang mga physical structures ng Grand Mosque.

Kitang-kita rin ang mga tama ng bala sa nasabing mosque na matatagpuan sa Islamic Center ng lungsod.

Narito ang ulat ni Erwin Aguilon:

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...