Ugnayan ng Pilipinas at U.S mas naging maayos ayon kay Trump

MPC pool photo

Binigyang diin ni U.S President Donald Trump na marapat na bigyang halaga ang Pilipinas dahil sa military strategic location nito.

Ginawa ni Trump ang pahayag matapos ang hindi magandang relasyon ng Pilipinas sa administrasyon ni dating US President Barack Obama.

Matatandaang makailang beses nang minura ni Duterte si Obama dahil sa pakikialam ng dating pangulo sa kanyang kampanya kontra sa illegal na droga.

Sa pahayag ni Trump matapos ang family photo kanina sa luncheon ng ASEAN Summit at bago ang pagsisimula ng 12th East Asia Summit, sinabi nito na sa ngayon mays matatag na ang relasyon ang Pilipinas at Amerika.

Ayon kay Trump, pinakamahalagang lupain sa paningin ng isang military strategist ang Pilipinas.

Magugunitang sa unang araw pa lamang ng 31st ASEAN Summit ay kaagad nang nagpahatid ng pasasalamat si Trump sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy sa pangunguna ng pangulo.

Read more...