Tututukan ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations ang paglaban sa trafficking in persons.
Sa 31st ASEAN summit, isinapinal na ng ASEAN ang Trafficking in Persons o TIP work plan 2017-2020.
Ito ang kauna-unahnag cross sectoral at cross pillar action plan na nilikha ng ASEAN para labanan ang nasabing problema.
Nakapaloob sa regional activities na ito ang pag-iwas sa trafficking in persons, proteksyon sa mga naging biktima, law enforcement at prosecution sa kriminal at ang pagkakaroon ng regional and international coordination.
Laman din nito ang resulta sa bawat aktibidad, monitoring ng work plan kung saan tututok ito ng siyam na sectoral bodies na binubuo ng tatlong pillars na political- security ,economic at socio cultural.
Isa ang ASEAN region sa mga lugar sa daigdig na mataas ang mga kaso ng human smuggling