UN sa ASEAN: Igalang ang human rights

Inquirer photo

Bukod kay European Council President Donald Tusk, humirit din si United Nations Secretary General Antonio Guterres sa mga lider ng Association of Southeast Asian Nations na irespeto ang karapatang pantao at isulong ang epektibong law enforcement.

Sa Asean-UN Summit, sinabi ni Guterres na nakahanda ang UN na magbigay ng ayudang teknikal sa ASEAN sa paglaban sa terorismo at violent extremism, transnational crimes, drug trafficking at iba pa basta’t siguraduhin lamang na igalang ang karapatang pantao.

Gayunman, hindi gaya sa ASEAN-EU Summit ay wala sa ASEAN-UN Summit si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi dahil nasabay ito sa kanyang bilateral meeting kay Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.

Sa halip ay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang dumalo sa ASEAN-UN Summit.

Matatandaang makailang beses nang pinuna ng UN at EU si Duterte dahil nalababag na umano ang kaparatang pantao ng mga Pinoy dahil sa pinaigting na kampanya kontra sa illegal na droga na nauwi na umano sa extra judicial killings.

Bilang bwelta, binatikos at makailang beses pang minura sa harap ng publiko ni Duterte ang UN at EU.

Read more...