Napahabang bilateral meetings ni Pangulong Duterte, dahilan ng hindi niya pagdalo sa ASEAN-UN Summit

Ipinaliwanag ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung bakit hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa ASEAN-UN Summit, Lunes ng gabi.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DFA spokesperson Robespierre Bolivar na sunud-sunod ang bilateral meetings ni Pangulong Duterte kahapon.

Kabilang sa mga nakapulong niya ang mga lider ng Japan, South Korea, India at Russia.

Bawat bilateral meeting ay napapahaba at lumalampas sa itinakdang oras ng pagtatapos, dahilan para maantala at sumobra din sa oras ang mga kasunod na pulong.

Ani Bolivar, para hindi na maapektuhan pa ang schedule ng ASEAN-UN Summit ay napagpasyahan na si DFA Sec. Alan Peter Cayetano na ang kumatawan kay Pangulong Duterte.

Ang naturang pulong ay siya na sanang huling event na dadaluhan ng pangulo kahapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...