Biyahe ng MRT, nagka-aberya

Nakaranas muli ng aberya ang mga pasahero sa biyahe ng Metro Rail Transit (MRT).

Naganap ang aberya alas 7:34 ng umaga sa bahagi ng Shaw Station northbound.

Pinababa ang mga pasahero ng tren dahil sa naranasang technical problem.

Kahapon, araw ng Lunes, dalawang beses na nakapagtala ng aberya sa biyahe ng MRT.

Simula noong November 1 hanggang ngayong November 14, isang araw lang na hindi nakapagtala ng aberya ang sa biyahe ng MRT3.

Ito ay noong November 5.

 

 

 

 

Read more...