13 arestado sa paggawa ng pekeng pera sa Rome, Italy; pekeng €28 million, nakumpiska

Arestado ang labing-tatlong miyembro ng sindikatong gumagawa ng pekeng pera sa Rome, Italy.

Nakumpiska rin sa mga ito ang nasa 900,000 na piraso ng “high quality fake banknotes” na nagkakahalaga ng mahigit sa 28-million euros.

Ang mga suspek ay huli sa akto na gumagawa ng pekeng pera sa tatlong “underground printing shop.”

Nadiskubre din na pawang mga neopolitans o mga residente sa naples italy ang dalawang lider ng grupo.

Malaki ang hinala ng otoridad na ang grupo ang responsable sa pagpapakalat ng matataas na uri ng mga pekeng euros sa ibat-ibang panig ng mundo.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...