Free trade agreement sa US, isinusulong ni Duterte

 

AP Photo

Isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang free trade agreement (FTA) sa kaniyang pakikipagpulong kay US President Donald Trump sa sidelines ng ASEAN Summit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, layon ng FTA sa Estados Unidos na bawasan ang quotas at taripa sa pag-aangkat ng mga produkto.

Ipinahayag aniya ng Pilipinas na ikinalulugod ng bansa ang general system of preference, kasunod ng pagmumungkahi na pairalin rin sa pagitan ng Pilipinas at US ang FTA.

Ang nasabing general system of preference ay isang US trade program kung saan iniaalis ang mga buwis sa 5,000 na uri ng mga produkto na iniaangkat mula sa mga developing countries tulad ng Pilipinas, maliban sa mga tela, damit at sapatos.

Ipinunto din aniya ni Duterte na tinapos na ng US ang FTA nito sa Japan at Vietnam.

Ani Roque, tiniyak ni Trump na pag-iisipan nila ang usaping ito. / Kabie Aenlle

Excerpt: Layon ng FTA sa Estados Unidos na bawasan ang quotas at taripa sa pag-aangkat ng mga produkto.

Read more...