Human rights, ‘bahagyang natalakay’ nina Duterte at Trump ayon sa White House

 

AP photo

Bukod sa isyu ng terorismo, iligal na droga at kalakalan, natalakay rin ‘nang bahagya’ ang usapin ng human rights sa paghaharap nina US President Donald Trump at Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Press Secretary Sarah Huckabee sa inilabas na White House pool report sa bilateral talks nina Duterte at Trump sa ASEAN Summit kahapon.

Ayon sa statement ng White House, partikular na naging tema ng pag-uusap nina Trump at Duterte ang usapin ng ISIS at ipinagbabawal na gamot, bukod pa sa isyu ng trade o kalakalan.

Samantala, ang usapin naman ng karapatang pantao ay lumutang sa konteksto ng pag-uusap ng dalawang lider, ayon sa White House statement.

Matatandaang kahapon, sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi nito na hindi lumutang ang isyu ng human rights sa naganap na bilateral meeting nina Duterte at Trump.

Read more...