Duterte, hindi na dumalo sa ASEAN-UN Summit

 

Presidential Photo

Hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at ng United Nations na nakatakda sa unang araw ng summit.

Wala pang ibinibigay na dahilan ang Malakanyang sa hindi pagdalo ni Duterte sa 9th ASEAN-UN Summit.

Ang naturang summit ay ang one-on-one summit sa pagitan ng ASEAN at ng mga bansang United States, China, South Korea at Japan.

Ang naturang pulong ay siya na sanang huling event na dadaluhan ng pangulo kahapon.

Una dito ay nagawang makadalo ng pangulo sa ibat ibang nakatakdang aktibidad sa unang araw ng ASEAN Summit kabilang na ang opening ceremony.

Nagkaroon din ng bilateral meetings si Duterte kay US President Donald Trump, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Indian Prime Minister Narendra Modi, South Korean President Moon Jae-in at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.

Read more...