Si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kaniyang partner na si Honeylet Avanceña ang sumalubong sa mga heads of state.
Kabilang sa mga maagang dumating sa CCP si South Korean President moon Jae-in gayundin sina United Nations Sec. Gen. Antonio Guterres, Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha at si Indian Prime Minister Nerendra Modi.
Sunud-sunod ding nagdatingan sina Myanmar State Counsellor Aung Suu Kyi, Canada Prime Minister Justin Trudeau, Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, Indonesian President Joko Widodo, Malaysia Prime Minister Najib Razak at Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Sa grounds ng CCP, may grupo ng mga Filipino dancer na nagpamalas ng sayaw bilang pag-welcome sa convoy ng mga delegado.
Sa abiso ng MMDA, dahil sa pagbiyahe ng mga delegado ngayong umaga, mula kaninang alas 12:01 ng madaling araw ay ipinairal na ang total lockdown sa Roxas Boulevard hanggang alas 12:00 ng tanghali.
Habang mananatili ang lockdown sa mga lansangan sa palibot ng CCP.