Ayon kay Bato, kanselado lahat ng leave ng mga pulis dahil sila ang inatasang magbigay ng seguridad sa mga ASEAN delegates na narito sa Pilipinas.
Bilin pa ni Gen. Bato sa mga miyembro ng police force na naka-duty ngayon na maging matikas, alerto, at bawal magtext habang naka-duty.
Pinayuhan din ng PNP Chief ang mga miyembro ng police force na magdasal na sana’y walang mangyaring masama ngayong ASEAN Summit hanggang sa makalabas ng bansa ang kahuli-hulihang head of state.
Inaasahang dadalo si Gen. Bato sa ASEAN Summit upang nakakuha rin ng tips kung paano lalabanan ang terorismo at kriminalidad sa bansa.