Baclaran, nilinis sa vendors sa kasagsagan ng ASEAN Summit

Kuha ni Ricky Brozas

Sa gitna ng pagtitipon ng mga world leaders sa bansa kaugnay sa ASEAN Summit kapansin-pansin ang pagiging malinis ng Baclaran sa Parañaque City sa mga vendor.

Kung dati-rati ay sakit sila ng ulo ng mga pedestrian dahil halos ukupahan na nila ang kalsada ng kanilang mga paninda, ngayon ay maluwag ang lansangan at tanging mga tao na lamang na dumadaan ang makikita sa kalye.

Partikular na maluwag na daanan ang harapan ng simbahan ng Baclaran kung saan may mga nakabantay ring mga opisyal ng Barangay na nagmamando ng trapiko.

Maluwag naman ang daloy ng mga sasakyan ng mga patungo ng EDSA patungong Coastal area.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...