90 ang patay, 1,000 sugatan sa magnitude 7.3 na lindol sa border ng Iran at Iraq

Hindi bababa sa 90 ang nasawi sa magnitude 7.3 na lindol na tumama sa border ng Iran at Iraq.

Ang datos ay kinumpirma ng isang Iranian official ayon sa ulat ng Associated Press.

Tumama ang malakas na lindol sa 103 kilometers southeast ng As-Sulaymaniyah City.

Naramdaman ang lindol sa maraming lungsod sa Iran at walong villages ang nagtamo ng matinding pinsala.

Maliban sa Iran, naramdaman din ang lindol sa Iraq at sa Israel.

Ayon sa mga otoridad, nasa 1,000 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa nasabing pagyanig.

 

 

 

 

 

 

Read more...