Panibagong sama ng panahon, binabantayan ng PAGASA sa Palawan

Isang panibagong Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Puerto Princesa City sa Palawan.

Huling namataan ang LPA sa 90 kilometers North Northeast ng Puerto Princesa.

Ang isang LPA sa bahagi ng General Santos City ay nalusaw na.

Sa weather forecast ng PAGASA, dahil sa LPA sa Palawan at sa umiiral na Easterlies, magiging maulap ang papawirin ngayong araw sa Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula at Palawan.

Sa Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa, localized thunderstorms ang maghahatid ng isolated na mga pag-ulan.

 

 

 

 

 

Read more...