Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Southern Leyte, Linggo ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naitala ang episentro ng lindol may 14 na kilometro ang layo sa silangan ng Pintuyan, Southern Leyte.
Naganap ang pagyanig dakong alas 2:33 ng hapon, Linggo, ayon sa Phivolcs.
Naramdaman ang Intensity IV na paggalaw ng lupa sa bayan ng San Ricardo, Southern Leyte.
Intensity III naman sa Surigao City; San Jose, Dinagat islands at San Franciso, Southern Leyte.
Intensity II naman sa Liloan, Southern Leyte.
Instrumental Intensity IV naman sa Surigao City.
Wala namang naitalang pinsala ang Phivolcs sanhi ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES