21 baril, naharang sa Cebu port

 

Christian Maningo/CDN

Dalawampu’t-isang baril ang nasabat ng mga operatiba ng Cebu City Port Police sa Pier uno sa Cebu City, Linggo ng gabi.

Sa eksklusibong report ng Cebu Daily News, nakumpiska ang naturang mga armas sa pag-iingat ng mga suspek na sina Eulidiano Diano at Rachel Puno, residente ng Bgy. Talamban, Cebu City.

Ayon kay Port Police Insp. Joeffrey Russel, nakatanggap sila ng tip mula sa hindi kinilalang asset na ibibiyahe ang naturang mga armas mula Cebu City tungong Ozamis City.

Dahilan ng dalawa, binayaran lamang sila upang ibiyahe ang naturang mga armas.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.

Read more...