Suot ang Barong Tagalog, sinalubong si Trump at iba pang mga bisita nina Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña.
Kapansin-pansin na mas mahaba ang usapan nina Trump at Duterte kumpara sa ibang world leader na dumalo sa gala dinner.
Bukod kay Trump, dumalo rin sa okasyon sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau, Russian Prime Minister Dmity Medvedev at United Nations Secretary General Antonio Gutteres.
Dumalo rin si Chinese Premiere Li Kequiang na huling bumisita sa Pilipinas may sampung taon na ang nakaraan.
Hindi na bumisita sa Pilipinas si Li matapos maghain noon sa UN tribunal si dating pangulong Benigno Aquino III laban sa China dahil sa usapin sa West Philippines Sea.
Bukod sa mga nabanggit na lider, dumalo rin ang iba pang world leader na kasapi sa ASEAN countries at ang mga dialogue partner na bansa.
Pagkatapos ng gala dinner, isinagawa naman ang bilateral meeting sa pagitan ng pangulo at lider ng Australia.