8 Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

 

Walong miyembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko sa militar sa Sulu, nitong Sabado.

Sumuko ang mga bandido sa 2nd Special Forces Battalion na nakabase sa bayan ng Talipao sa pangunguna ni Lt. Col. Jessie Montoya.

Ayon sa Task Group Sulu, mga miyembro ng grupo ni Abu Sayyaf Leader Alhabsy Misaya ang mga surrenderee.

Kasamang isinuko ng mga bandido ang kanilang mga armas.

Nananawagan naman si Brigadier General Cirilito Sobejana sa iba pang miyembro ng bandidong grupo na sumuko na rin upang tuluyang matuldukan na ang terorismo sa Sulu.

Read more...