Nasawi sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si PO1 Matthew Baybayon, samantalang sugatan naman ang kasamahan nitong si PO1 Edgarde Demingoy.
Pawang mga miyembro ng 5th Regional Public Safety Battalion na nakabase sa Bgy. Canares, Bautan, Masbate ang mga pulis.
Sa ulat, nagtungo ang grupo ng mga pulis sa Bgy. Buyo, San Fernando upang imbestigahan ang isang kaso ng pamamaril sa lugar.
Gayunman, habang pabalik sa kanilang headquarters, dito na tinambangan ng hindi matukoy na bilang ng mga rebelde ang mga otoridad.
Bago tumakas matapos ang pamamaril, tinangay pa ng mga rebelde ang service firearms ng mga biktima.
Agad namang naglunsad ng hot pursuit operations ang mga otoridad laban sa mga rebelde.