Canadian Prime Minister Justin Trudeau nasa bansa na rin para sa ASEAN Summit

Dumating na rin sa bansa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau para dumalo sa ASEAN Summit.

Lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Trudeau sa Clark International Airport sa Pampanga.

Habang humahakbang pababa ng eroplano ay kumaway ang Canadian Leader at nag-thumbs up sa mga nag-aabang sa kanya sa Tarmac.

Sinalubong siya ni Department of Science and Technology (DOST) chief Fortunato Dela Peña at iba pang opisyales ng gobyerno.

Nakangiti din itong lumapit at binati ang mga performers habang papasakay na sa nakatalaga sa kanyang sasakyan.

Isa si Trudeau sa dialogue partners ng 10-member regional block.

Una nang natungo si Trudeau sa bansa noong 2015 nang idaos sa Pilipinas ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Read more...