Anne Curtis at Erwan Heussaff, ikinasal na

Courtesy: Cheska Kramer Instagram

Ikinasal na ang celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand kaninang umaga.

Kumpara sa mga bonggang kasalan ng ibang celebrity couples, simple at pribado ang naging kasal nina Anne at Erwan.

Bukod sa pamilya ay ilang malalapit na mga kaibigan ang dumalo sa kanilang pag-iisang dibdib.

Matatandaang hindi isinapubliko ng dalawa ang eksaktong petsa ng kanilang kasal ngunit nito lamang mga nakaraang araw ay isa-isa nang dumating sa New Zealand ang ilan sa kanilang malalapit na kaibigan.

Nasa anim na taon ding magkarelasyon sina Anne at Erwan bago ikinasal, mag-iisang taon matapos ang kanilang engagement.

Read more...