Pangulong Duterte, nakabalik na mula sa APEC Summit

Pasado alas dose ng madaling araw nang lumapag ang Philippine Airlines Flight PR001 sa Ninoy Aquino International Airport sakay si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa katatapos lang na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Vietnam.

Pagkababa ng pangulo mula sa kanyang sinakyang eroplano ay kaagad itong nagbigay ng talumpati.

Ayon sa pangulo, sa ginanap na APEC Summit ay hinimok niya ang mga negosytante na iangkop ang kanilang mga business models para makatulong sa mga mahihirap.

Nangako rin ang pangulo sa mga member countries na ipapatupad ng Pilipinas ang ‘human approach to development and governance.’ Aniya, gagawin niya ang lahat para makamit ang ‘inclusive growth’ para sa bawat isang Pilipino.

Dagdag pa ni Duterte, nakikitaan niya ng magandang hinaharap ang kanyang pakikipagkaibigan kay Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping.

Ngunit paglilinaw ng pangulo, wala itong kinalaman sa pakikipag-ugnayang militar sa dalawang mgabansa.

Ayon pa sa pangulo, wala siyang naging usapang pang-militar sa ginanap na APEC Summit, liban na lamang sa kanyang pagpapasalaman sa China sa kanilang naging tulong para mapuksa ang Maute terror group sa Marawi City.

Read more...