Unang pagkikita nina Trump at Duterte, maiksi ngunit magiliw – Roque

“Brief, but was warm and cordial.”

Ito ang naging pagsasalarawan ni Presidential Spokesman Harry Roque sa naging unang pagpupulong nina US President Donald Trump at Pangulong Rodrigo Duterte.

Naganap ang unang meeting ng dalawang lider sa kasagsagan ng break ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) para sa family photo call kahapon.

Sa isang larawan na ipinost ni Presidential Assistant Christopher Bong Go, makikita na nag-uusap sina Duterte at Trump kasama si Australian Prime Minister Malcolm Turnbull.

Sa pag-uusap na ito sinabi ni Trump na nagagalak siyang makapulong si Duterte sa Maynila para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Direkta umanong nagsabi si Trump kay Pangulong Duterte ng “see you tomorrow”.

Ayon kay Roque, patunay lamang ito na lubhang nasiyahan ang dalawa sa kanilang unang pagkikita.

Read more...