Trump hinamon na kalkalin sa ASEAN ang mga kaso ng EJKs sa bansa

Hinimok ng Amnesty International Philippines si United States President Donald Trump na subuking alamin ang human rights record ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.

Ipinahayag ni A.I Philippines Director Butch Olano na dapat ungkatin ang umano’y mga paglabag sa kaparatang pantao sa Pilipinas.

Aniya, ang makakapulong ni Trump ay isang taong may mga polisiyang responsable umano sa unlawful killings, kabilang na ang dose-dosenang mga bata at extrajudicial executions.

Sinabi ni Olano na posibleng magresulta ito bilang crimes against humanity.

Giit ng A.I Philippines, hindi dapat balewalain ni Trump bilang bahagi na rin ng kanyang pangakong pairalin at ipagtanggol ang karapatang pantao ang pagkalkal sa ilang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Duterte.

Dagdag ni Olano, kailangang linawin ni Trump na ang mga tulong ng U.S sa Pilipinas ay para sa reporma sa Philippine National Police at pagtigil sa impunity sa pulisya.

Ang naturang human rights organization ay kilalang kritiko ng giyera ng administrasyon Duterte kontra ililgal na droga.

Read more...