Ang innermost lanes ng Edsa ay isinara para gawing express lane para sa mga delagdo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Sa ulat ng Metro Manila Development Autority (MMDA), pasado alas-otso pa lamang ng umaga kanina ay may namonitor na silang pagsisikip sa bahagi ng Balintawak sa Quezon City hanggang sa Mantrade sa Makati City.
Tukod na rin ang mabigat na daloy ng trapiko pati sa mga sasakyan sa dulong bahagi ng Roxas Boulevard patungo sa lalawigan ng Cavite.
Ang kabilang panig naman ay apektado na rin ng pagsasara sa bahagi ng Roxas Boulevard at temporary lockdown sa SM Mall of Asia area hanggang sa CCP Complex.
Halos nadoble rin ang oras sa byahe ng mga patungo sa Southern portion ng Metro Manila tulad ng Paranaque at Las Piñas City.
Pati ang lang mga side streets sa Makati at Maynila ay barado rin sa daloy ng trapiko at inaasahan na magpapatuloy ito hanggang gabi.
Sinabi naman ng MMDA na nagdagdag na sila ng mga tauhan para tumulong sa traffic management sa mga apektadong lugar dito sa Metro Manila.
Tuloy-tuloy rin ang kanilang paalala na umiwas ang mga motorista sa Edsa dahil sa paglalaan ng bahagi nito sa ASEAN lanes.
Pinaka-magandang alternatibo umano ang C5 at Mindanao Avenue para sa mga sasakyang papunta sa HIlaga at Katimugang bahagi ng Metro Manila.