Lumapag sa Clark International Airport sa Pampanga ang eroplano ng Kingdom of Cambodia Airlines na sinakyan ni Cambodian Prime Minister Hun Sen bago mag-1:30 ngayong hapon.
Sinalubong si President Hun Sen sa airport ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
Ang nasabing lider ang kauna unahang head of state na dumating sa mga dadalo sa 31st Asean Summit na gaganapin sa bansa.
Kaugnay niyan, inaasahang isasara ang ilang lansangan sa Pampanga, SCTEX, NLEX at kahabaan ng Edsa para pagdaan ng convoy ni GInoong Hun Sen.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, labingwalong heads of state bukod pa sa kinatawan ng United Nations at European Union ang kumpirmadong dadalo sa ASEAN Summit.
Samantala, pasado alas-dos naman ngayong hapon ay dumating na rin sa Clark International Airport ang sinakyang eroplano ni Myanmar State Counsellor Aung San Suu Kyi.
Siya ay sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Bukas, araw ng Linggo at sa Lunes ang pagdating ng mga iba pang mga heads of state na dadalo sa ASEAN Summit