Ilang mga bayan sa Sultan Kudarat nilindol

Philvocs

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Sultan Kudarat dakong 11:36 ng umaga kanina.

Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 14 kilometro sa Silangan ng Bagumbayan town.

Naramdaman ang Intesity IV sa Bagumbayan, Sultan Kudarat; Intensity III sa Sto. Niño, South Cotabato at Intensity II sa Lake Sebu, South Cotabato.

Wala namang naiulat na pinsalang idinulot ng lindol.

Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na wala silang inaasahang aftershocks dulot ng nasabing lindol.

Hindi rin inaasahan ang tsunami dulot ng pagyanig.

Read more...