Bahagi ito ng security measures na ipatutupad para ASEAN Summit.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang lahat ng trucks at closed vans ay bawal sa mga sumusunod na kalsada mula November 11 hanggang 15:
- EDSA – mula Balintawak hanggang Magallanes
- Roxas Blvd. – mula Buendia Ave. hanggang Ayala Blvd.
- Burgos, Finance Road at Ayala Blvd. – mula Roxas Blvd. hanggang Carlos Palanca
Sinabi rin ng MMDA na maaring makaranas ng pagsisikip sa daloy ng traffic sa mga apektadong kalsada sa nabanggit na mga petsa.
Dahil dito, ang mga motorista ay pinapayuhan na maghanap ng alternatibong ruta.
READ NEXT
WATCH: Pailaw at patubig para sa mga nakabalik ng residente prayoridad ng Task Force Bangon Marawi
MOST READ
LATEST STORIES