Maliban sa pagpapauwi sa kanilang mga tahanan, isa sa pangunahing pinagtutuunan ngayon ng pansin ng Task Force Bangon Marawi ang pagpapailaw at patubig sa mga barangay kung saan nakabalik na ang mga residente.
Ayon kay Asec. Felix Castro ng Task Force Bangon Marawi, nagde-deliver ng tubig sa mga barangay na hindi konektado sa water district ang red cross at fire trucks.
Natatagalan naman aniya ang pagsasaayos ng Lanao Del Sur Electric Cooperative o LASURECO sa kuryente ng mga bahay sa siyam na barangay na pinayagan ng makauwi.
Bukod dito mayroon aniyang mga nawalang linya at kuntador ng ilaw na kailangan pang ayusin.
Narito ang report ni Erwin Aguilon:
MOST READ
LATEST STORIES