Pangulong Duterte, nagbantang sasampalin si Callamard kapag itinuloy ang imbestigasyon sa EJKs

Sasampalin ni Pangulong Rodrigo Duterte si United Nations Rapporteur Agnes Callamard sakaling ituloy pa nito ang imbestigasyon sa extra judicial killings sa bansa na pilit na inuugnay sa kampanya ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga.

Sa pagharap kagabi ng pangulo sa Filipino community sa Vietnam, sinabi nito na hindi siya mag-aatubili na sampalin si Callamard sa harap ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Paliwanag ng pangulo, malinaw na pang-iinsulto ang ginagawa ni Callamard sa kaniya.

Iginiit pa ng pangulo na mismong si Callamard ay hindi naniniwala sa sariling research ng kaniyang organisasyon na walang masamang epekto ang paggamit ng ilegal na droga.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang pagpapaunlak ng TV interview ni Callamard kung saan nagsama pa ito ng isang black doctor at iginiit na harmless ang paggamit ng ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...